11/16/10

Badtrip naman to!

uhm....
sa puntong ito
isasaboy ko muna ang lahat ng galit ko sa mundo

[grrrrrrrrrrrr]

hoy ikaw!!!!! naiinis na ako sa iyo!!!!
Bakit mo ba ako ginaganito?
lage kang sumusunod sa katawang lupa ko
naba-badtrip tuloy ako sa iyo

para na tuloy akong isang unggoy
na palaging mayroong sumusunod na buntot
at kung buntot ka man sa totoong buhay
pinutol na sana kita noon pa

ok lang naman sa akin kung may nakakagusto saken
pero iba ka talaga sa mga nagkagusto sa akin
tinatrato mo akong parang isang boypren
grabe ka talaga, gusto na kitang upaken

araw-araw kang nagpapa-pansin
at sabi mo'y ika'y obsess sa akin
ikaw ba si Mike Enriquez na di mo na ako tatantanan
o mayroon ka lang talagang lahing palaban

grabe ka talaga over-over ka na masyado
pumunta ako sa board, bigla kang nagtakip ng bibig mo
na-shock ka raw sa pagmumukha ko
o di kaya'y naamoy mo ang inisprey kong Baygon

at nung isang araw, sa isang camp doon sa malayo
mga text mo sa aking inbox, umabot ng 'sanlibo
kung gusto mo ang atensyon ko, ay magsabi  ka nga lang
papansinin ko naman kita, maghintay ka nga lang

noong araw ding iyon ay nagselos ka
sa bespren mo na wala namang ginawa
mabuti nandun si jelai para ika'y kumalma
kung wala siya, impyerno na yata ang aking buhay

at isa pa, di ko to makakalimutan
sinabihan mo pang "I***" ang crush ko
nagseselos ka lang ba talaga
o nagpapatama ka lang sa sarili mo

grabe ka talaga, nasobraan ang iyong pagka-exaj
trinato mong boypren mo ang iyong crush
di ka ba hihinto sa iyong binabatak
ipapagulpi kita sa gwardyang may batuta

salamat sa pagbasa ng aking sinulat
sorry kung nakasakit ako sa aking mga isinulat
ganyan lang talaga ako kung manumbat
at wala lang talaga akong magawa sa bahay

*bow*

No comments:

Post a Comment